top of page
Search

DON'T STOP, UNTIL YOU'RE PROUD KABARO!

  • Writer: Carl Nyxyl Galapin
    Carl Nyxyl Galapin
  • Sep 20, 2022
  • 2 min read

One day you will thank yourself for not giving up ❤️🌊⚓🚢


Lumaki ako sa mundo kung saan bukambibig ng karamihan ang salitang "DREAM BIG"


Everytime I hear this words, napapatanong ako sa sarili ko

"Bakit? Bakit kailangang taasan ang pangarap?"


Si papa ay isang Jeepney driver, hindi kami mayaman, pero lahat pinagsisikapan ng aking mga magulang maibigay lang ang aking kagustuhan


Sabi ko sa sarili ko dati, magiging piloto ako, gusto kong lumipad sa kalawakan. Gusto ko ring maging news achor,

Gusto kong maging guro, doctor, ganap na manunulat, film director at photographer.


Ang dami kong gusto sa buhay.


Up until, napagod ako.


Hindi ako napagod sa mga kagustuhan ko kundi napagod ako sa kakaisip kung magiging sino at ano ako paglaki ko. Then I realized, pwede palang pagsabayin lahat. I can be everything I wanted to be. Bakit ko lilimitahan ang sarili ko kung alam ko namang kaya ko lalong lalo na kung alam ko namang I am making my parents proud.


Hindi ko lubos maisip na magiging seaman ako, it's not in my vocabulary. Pero tama ang sabi nila, kapag andyan na, wala ng atrasan. Lalo na kapag ang inspirasyon mo sa iyong paglalakbay ay iyong mga magulang. Kahirapan. Pangungutya at Diskriminasyon.


You are not what you think you are.


Kung iniisip mong hanggang diyan ka nalang, believe me, malayo pa mararating mo. Kung iniisip mong hindi kaya, imposible, believe me, kung saan mas nagiging mahirap ang sitwasyon, diyan mas lalong lumilinaw ang plano ng Diyos sa'yo. Kung iniisip mong wala ng pag-asa, believe me, pinagtitibay ka lang ng panahon at ng sitwasyon.


Convert your pain into something na makakatulong sa progress mo. The pain that you are feeling right now is just preparing you for what you asked for.


Matibay ka, pinagtitibay ka lang, at mas pagtitibayin ka pa. Believe me, just like me, you will be more than your expectations.


And one of this days, magugulat ka nalang, ang layo mo na sa dating ikaw. And you will be loving the growth na nangyayari sa sarili mo. And from that moment, you'll be slowly getting addicted to progress.


Balikan natin ang unang tanong.


Bakit kailangang taasan ang pangarap?


Actually, mali ang tanong.


Walang mababa at mataas na pangarap.

For as long as you are making progress sa sarili mo, that is already a 'dream come true'. Pagbabago ang pangarap ng karamihan. Kaya lamang tayo nabubulag at hindi nakukuntento sa mga naabot natin, it's because we keep on comparing our progress to someone.


No one can validate kung naging successful ka o hindi. We all have our own definition of success.


Success for me is when you serve your purpose, make an impact by being an inspiration and remain your feet on the ground habang itinataas ka ng Panginoon. That's pure success. Higit sa lahat, success for me is having the character and the ability to inspire people


And when yiu see successful people, huwag mainggit, because it will happen to you soon. Everybody deserves success and happiness.


Ikakatuwa ko ang makitang umaangat ang kapwa ko kaysa sa ako lang ang umaaangat. Let's hope and pray for everybody's progress.


Isa ako sa mga naniniwala sa'yo.


See you sa finish line kabaro.


This is Boy Guimarasnon


Youth Ambassador

Award Winning film maker

Multi-awarded Youth Advocate

Diplomat

Photographer

Maritime Author

Endorser

Host

An active Seafarer

 
 
 

Bình luận


Post: Blog2_Post

©2022 by My Site. Proudly created with Wix.com

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
bottom of page