top of page
Search

A YOUNG SEAFARER'S JOURNEY: REVEALED FOR THE FIRST TIME

  • Writer: Carl Nyxyl Galapin
    Carl Nyxyl Galapin
  • Sep 20, 2022
  • 5 min read

MARINO, DON'T READ THIS‼️      Isasa-PUBLIKO ko ang istoryang ito kapag #FinishContract na ako. It takes so much courage and bravery to share this UNTOLD STORY.


"... KUPAL, MGA WALANG KONSIDERASYON, MARITES, INGGITERO, PAHIRAP SA KAPWA PINOY... "


A true story: MY UNFORGETTABLE EXPERIENCE AS AN O.S. ONBOARD INTERNATIONAL TANKER VESSEL

...after all, I told myself kung babalik ba akong muli sa barko?


I boarded International Tanker Vessel with 'ALMOST BACK TO ZERO' knowledge since I had my cadetship program sa isang domestic passenger vessel. Malaki ang differences nila but somehow there were things from my cadetship program na applicable naman at nagamit ko onboard tanker vessel. May mga natutunan naman ako during my college days pero iba parin FOR ME ang makapag hands-on sa barko.


"... MAY KUPAL NA MAGPAPABIGAT SA MGA ARAW KO..."


JOINING  ||  October 7, 2021, ito ang araw ng joining ko sa Dubai. Paakyat palang ako sa gangway, naghalo na ang kaba at excitement. Kabado, kung kaya ko ba talaga considering my colleagues onboard, at excited dahil sa wakas, after so many incomparable challenges na napagdaanan ko, hindi ako sumuko, hindi ako umatras, hindi ako lumiko ng kurso, narating ko at natupad ko ang mga nais kong mangyari with the help of my family and the courage given by so many people around me. Sa service boat palang, kasama ang mga crew na pasampa din, 'di ko maiwasang mag-overthink kung MAY KUPAL NA MAGPAPABIGAT SA MGA ARAW KO. Until...


"... SINIGAWAN AKO KASE..."


FIRST DAY OF WORK  ||  Kabado ako to be honest, hindi ko alam ang sistema ng trabaho, oras, routine and all. I tried to observe, sa tulong ng mga kasama ko (which I called kuys) lalong-lalo na sa bosun namin, I was able to at least somehow, familiarized the vessel. May madali, may mahirap na mga job orders. But remember this, hindi mo solo lahat, ang trabaho sa barko ay napagtutulungan. Saan man ako mapunta sa barko, lagi ako pinapasamahan ni bosun na siya namang magbibigay gabay sa'kin. Many times, I failed to some of the jobs that were given to me, napapagalitan din. One time nga, SINIGAWAN AKO KASE nagkamali ako, but never in my whole contract na pinersonal ko ang mga sigaw-sigaw na iyon. Paghubad ko ng aking coverall, limot lahat ng sigaw for I know the reasons behind. Limot lahat but never the lesson. Ilagay sa uniporme ang trabaho, mag-ipon ng pera at hindi sama ng loob. Doon ko napagtanto ng husto na if you want to grow, you need to accept your failures and try to look for the beauty in it. There is growth in failures, but never tolerate yourself to fail everytime only to grow. Magpakumbaba ka kapag tinuturuan ka, they are just trying to correct you. Isang araw nga, sinabihan ako na...


"...HINDI MO MAKUKUHA ANG LAHAT NG 'YAN..."


THE CREW || "HINDI MO MAKUKUHA ANG LAHAT NG 'YAN sa isang turo lang noy, pero at least kahit papaano may idea ka na basta makinig ka lang sa'kin" - Bosun. Hindi pa ako nakasampa, tanggap ko na that there's a possibility na ang makakasama ko ay mga KUPAL, MGA WALANG KONSIDERASYON, MARITES, INGGITERO, PAHIRAP SA KAPWA PINOY AT MASUNGIT. But that expectations failed, Thanks God! Napaka-swerte ko sapagkat lahat ng mga nakasama ko sa pinaka-unang kontrata ko ay maayos ang mindset. Nagtapos ang kontrata ko ng walang bigat at sama ng loob sa kahit sinuman sa mga nakasama ko. In fact, when I was with them, aware sila na baguhan ako and I need help. Lahat sinubukan nilang ituro sa'kin. Pagdating naman sa oras, bilib ako sa management ng bosun namin. He knows how to handle his people. Sabi nga ng isang AB na kasama ko, "Minsan ka lang makakatagpo ng ganitong bosun, kaya sulitin mo na". Para akong bumalik sa pagkabata na halos lahat talaga inisa-isa sa'king ituro. Pinoy at Griyego ang naging crew ng barko namin. Maganda ang pakikisama ng both Nationalities. Maayos ang pakikitungo ng lahat sa isa't-isa, kung kaya naman ay ang gaan ng bawat gising ko araw-araw. Alam kong hindi habang buhay ganito nalang lagi, makakatagpo parin ako ng taliwas sa experience na'to. But still thankful because I was able to experience how it feels kung ang lahat ng crew sa barko ay nagkakasundo at may pakialam sa isa't-isa. Pero minsan talaga, as time goes by, dadating ka sa point na ito gaya ng...


"... ILANG BUWAN KA NA DITO, BAKIT GANON PARIN!!!... "


THE ROUTINE  ||  Tama ang sabi nila, na paulit-ulit lang ang gawain sa barko. Magsasawa ka nalang. Alas 0600H  gigising na ako niyan. Maglilinis ng alleyways. 0630H, breakfast na. 0800H lalabas na ng accomodation, walang ligo 'yan. Hihintayin muna si bosun na magbigay ng job order. May halong kulitan pa 'yan minsan at asaran, kwentuhan bago magsimula. Magtatapos ang trabaho ng alas 1645H. Pamimintura, pangangatok ng kalawang, gwardiya sa bridge, wash paint at marami pang iba, 'yan ang mga ginagawa ng OS sa tanker vessel. Every fifteen days ang palitan ng mga daymen at mga de-gwardiya sa'min. I repeat, ang trabaho sa barko, napagtutulungan. Kapag hindi ko naman alam ang gagawin ko, aminado ako na minsan nahihiya akong magtanong. But at the end, noong nakabwelo na, I tried my best to ask for help kapag hindi ko alam ang isang bagay. I don't have the confidence to complete the task if I don't know how it works. Kaya kapag hindi alam, magtanong. May mga bagay kase na hindi ko makabisado mabilis. Noong nasa dalawang buwan na ako, pumasok din sa isipan ko at itinanong ko sa sarili ko 'to na ILANG BUWAN KA NA DITO, BAKIT GANON PARIN!!!. Then I stopped asking things like that and started to remind myself that slow progress is still a progress. Okay lang kung mahina ang usad, basta maayos kang makitungo, maayos ka ding magma-mature. Pero bakit...


"... KINARMA AKO, BINALIKAN AKO..."


REALIZATION  ||  Your present determines your future. Kung ano ang ginagawa mo ngayon ay siya ring ibabalik sa'yo sa mga susunod na mga araw. There are two types of karma, the good karma and the bad karma. I assume you get my point. I am thankful for the eight months na natapos ko ng walang nakaalitan at sama ng loob sa sinumang nakasama ko. I am proud of it. KINARMA AKO, BINALIKAN AKO ng blessings for I know that some point in my past, naging kapwa ako sa kapwa ko. Lahat naman tayo makasalanan and I'm telling you this... Libre at walang bayad ang pagiging mabuti. Sinusubok man tayo minsan pero hindi dapat ito ang maging dahilan para magmatigas tayo at magmalupit against things that are happening to us, rather try to understand its purpose why it's happening and try to study all the lessons from it. Allow yourself to grow through challenges and difficulties that come your way.


MARINO, DON'T READ THIS if you hate growth.


Sa mga nag-aapply ngayon, tambay, naghihintay ng line up, fresh graduates, may this story serve as a preparatory stage for you to warm up your mindset and widen your perspectives in life. Mahirap man ang ngayon, believe me that someday you'll be in a better situation. Huwag kang matakot sa bukas at nawa ay huwag kang pangunahan ng emosyon mo dulot ng mga bagay na nangyayari sa'yo. Remember 2 Timothy 1:7, FOR GOD GAVE US A SPIRIT NOT OF FEAR BUT OF POWER AND LOVE AND SELF-CONTROL.


After all, I told myself kung babalik ba akong muli sa barko? Why not? Maayos man o hindi ang susunod na magiging kontrata ko, IISA LANG ANG RASON KUNG BAKIT KAILANGAN KONG MAGPATULOY...

We are all trying to put food in our table... ☺️

❣️


BY: CARL NYXYL GALAPIN    (BOY GUIMARASNON)

[This story is not intended for copyright infringement]

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2022 by My Site. Proudly created with Wix.com

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
bottom of page